Vintage bomb natagpuan sa ilalim ng tulay
@Balitang Probinsiya | December 10, 2022
NUEVA ECIJA—Natagpuan ang isang vintage bomb kamakalawa sa ilalim ng ginagawang tulay sa Bgy. Valdefuente, Cabanatuan City.
Ang bomba ay natagpuan ng mga construction worker na naghuhukay ng lupa sa pagtatayuan ng poste ng tulay sa nasabing lugar.
Nabatid na agad ini-report ng mga construction worker sa mga awtoridad ang natagpuan nilang bomba.
Ayon sa pulisya, ang natagpuang bomba ay vintage bomb na ginamit noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Nasa pag-iingat na ngayon ng Explosive and Ordnance Division Team ang natagpuang bomba.



Comments