Vintage bomb natagpuan sa ginagawang bahay
@Balitang Probinsiya | November 4, 2022
SORSOGON—Isang vintage bomb ang natagpuan kamakalawa sa ginagawang bahay sa Sorsogon City.
Napag-alamang nagbubungkal ng lupa sa ginagawang bahay ang mga construction worker nang matagpuan nila ang naturang bomba.
Agad itong ini-report ng residente sa pulisya at sa pagsisiyasat ng mga awtoridad ay napag-alamang isa itong vintage bomb na ginamit noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Sa kasalukuyan ay nasa pag-iingat na ito ng Explosive and Ordnance Division Team.



Comments