top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Vape shop nilooban

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 1, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 1, 2023

AKLAN -- Isang vape shop ang nilooban ng isang miyembro ng “Akyat-Bahay Gang” kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Kalibo sa lalawigang ito.


Hindi na pinangalanan ng pulisya ang may-ari ng vape shop na ninakawan.


Nabatid na walang tao sa naturang establisimyento nang pasukin ito ng isang miyembro ng “Akyat-Bahay Gang” at natuklasan lang ang pagnanakaw nang magtungo at pumasok ang may-ari sa kanyang vape shop.


Napag-alaman na nakatangay ang suspek ng cash at mga vape sa niloobang shop.


Kaugnay nito, naglunsad na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang magnanakaw.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page