top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Van bumaligtad, lola dedbol

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 25, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 25, 2022


AKLAN–Patay ang 63-anyos na lola at anim na pasahero pa ang sugatan nang aksidenteng bumaligtad ang kinalululanan nilang van kamakalawa sa Aquino Highway, Ibajay.


Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Imelda Lirazan, samantalang inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng anim na sugatang biktima.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Feljun Galabasa kaya bumaligtad ang minamaneho nitong van sa nasabing lugar.


Kaagad dinala ng mga saksi sina Lirazan at Galabasa, pati ang lima pang pasaherong sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival ang lola.


Bagama’t kasama sa malubhang nasugatan, sasampahan pa rin ng pulisya si Galabasa ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and multiple physical injury.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page