top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ulo ng lolo hinampas ng bato ng katoma

BULGAR
Sep 27, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 27, 2022


PALAWAN—Isang 60-anyos na lolo ang sugatan nang hampasin ng bato sa ulo ng kanyang kainuman kamakalawa sa Bgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City.


Ang biktimang nagtamo ng sugat sa ulo ay kinilalang si Orlando Dionson, samantalang ang suspek ay si Mario Permisa, nasa hustong gulang at kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nag-iinuman umano sina Dionson at Permisa nang magkaroon ng mainitang pagtatalo na humantong para kumuha ng bato ang suspek at inihampas ito sa ulo ng biktima.

Nabatid na nagtangkang tumakas ang suspek, pero nadakip siya ng mga rumespondeng pulisya.


Ginagamot na ngayon sa ospital si Dionson, samantalang nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong serious physical injury.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page