Tulak, timbog sa boga at shabu
@Balitang Probinsiya | Enero 17, 2023
CAMARINES NORTE—Isang drug pusher ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng baril at shabu kamakalawa sa Bgy. Poblacion Norte Paracale.
Itinago muna ng pulisya ang suspek sa pangalang “Pedro”, 32-anyos, habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng baril, mga bala, 0.6 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments