Tulak, arestado sa drug-bust
- BULGAR
- Feb 6, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | February 06, 2022
CAMARINES SUR–Isang drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Del Gallego.
Ang mga suspek ay nakilalang si Homer Suarilla, nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing barangay.
Nabatid na may nakuhang impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng shabu ang suspek kaya nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad at dito nadakip ang drug pusher.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 50 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek at sinampahan na sila ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments