Tserman, natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | September 23, 2023
CAPIZ -- Isang barangay chairman ang natagpuang patay kamakalawa habang nakalutang sa ilog na sakop ng Bgy. Tacayan, Tapaz sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Chairman Wennie Dimas, 28, at residente ng Bgy. Aglupacan sa nabanggit na bayan.
Napag-alaman na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na nakalutang sa Panay River sa naturang barangay.
Huli umanong nakitang buhay si Dimas noong September 13, 2023 na patungo sa Bgy. Senonod sa nasabing bayan, pero mula noon ay hindi na nakita ang biktima hanggang matagpuan ang nakalutang na bangkay nito sa ilog.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.



Comments