Trike sumalpok sa kotse, drayber sugatan
@Balitang Probinsiya | April 21, 2022
AKLAN – Isang driver ang sugatan nang bumangga ang minamaneho niyang tricycle sa isang nakaparadang kotse kamakalawa sa Bgy. Mobo, Kalibo sa lalawigang ito.
Hindi muna pinangalanan ang tricycle driver hangga't hindi naipapabatid sa pamilya nito ang kinasangkutang insidente.
Batay sa imbestigasyon, mabilis umano ang takbo ng tricycle na minamaneho ng biktima kaya bumangga ito sa nakaparadang kotse.
Nabatid na nagkaroon ng malaking sugat sa ulo at katawan ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.



Comments