top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tricycle, sinunog ng lasing

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 18, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 18, 2023


AKLAN -- Isang driver ang nagsampa ng reklamo laban sa kanyang lasing na bayaw na sumunog sa kanyang tricycle kamakalawa sa Bgy, Pook, Kalibo sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jerry Zausa, 52, samantalang hindi na muna pinangalanan ang suspek hangga’t hindi pa ito naaresto ng mga awtoridad.


Sinabi ni Zausa na lasing sa alak ang kanyang bayaw nang sunugin nito ang kanyang tricycle.


Ayon pa kay Zausa, wala naman silang alitan ng kanyang bayaw kaya’t nagtaka siya bakit sinunog ang kanyang tricycle.


Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang suspek para sampahan ng kasong arson.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page