Tricycle driver, todas sa 2 armado
- BULGAR

- Sep 10, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 10, 2020
NUEVA ECIJA—Isang tricycle driver ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Samon, Cabanatuan City.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Percy Manalo, nakatira sa Bgy. Pamaldan sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Manalo ang tricycle ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Napag-alamang dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments