Tricycle driver nilikida ng riding-in-tandem
@Balitang Probinsiya | September 23, 2022
NORTH COTABATO—Isang tricycle driver ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Ladtingan, Pikit.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Usdats Datukan, nasa hustong gulang at, residente ng naturang bayan.
Ayon sa ulat, habang namamasada sa Datukan nang sumulpot ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Nang matiyak na patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang mga salarin.
Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya ang motibo ng mg salarin sa pamamaslang sa biktima.



Comments