top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tricycle driver, nilikida

BULGAR
Jul 7, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 7, 2022


BATANGAS—Isang tricycle driver ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Natatas, Tanauan City.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Jose Tiamzon, 36-anyos, nasa hustong gulang, residente ng naturang barangay.


Ayon sa ulat, namamasada ng tricycle si Tiamzon nang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Nang matiyak na patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang salarin.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page