Tricycle driver na pusher, arestado
- BULGAR
- Dec 6, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 06, 2020
Capiz—Isang tricycle driver na drug pusher ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Intampilan, Panitan.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jhave Depliyan, nakatira sa Bgy. Ilaya sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na drug pusher si Depliyan kaya nagsagawa ng buy-bust operation sa nasabing barangay kaya nadakip ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng anim na sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Depliyan.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments