top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tricycle bumangga sa SUV, pasahero nadale

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 29, 2024
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 29, 2024

AKLAN -- Isang babaeng pasahero ang sugatan nang mabangga ng kinalululanan niyang tricycle ang likurang bahagi ng isang SUV kamakalawa sa national highway ng Kalibo sa lalawigang ito.

 

Sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay hindi na isinapubliko ng pulisya ang pangalan ng babaeng pasahero na nasugatan sa naganap na aksidente.

 

Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang driver ng tricycle na kinalululanan ng biktima kaya bumangga ito sa likurang bahagi ng SUV.

 

Nabatid na nagkaroon ng sugat sa mukha ang biktima sa aksidente at sa ngayon ay ginagamot na siya sa ospital.

 

Nahaharap ang tricycle driver sa kasong reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page