top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tricycle bumangga sa pick-up, 2 kritikal

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 31, 2022


AKLAN–Dalawang lalaki ang nasa kritikal na kalagayan nang aksidenteng bumangga ang kinalululanan nilang tricycle sa nakaparadang pick-up kamakalawa sa Bgy. Calangcang, Makato.


Ang mga biktima ay kinilala ng pulisya na sina George Talco, driver ng tricycle at Sandy Sapico, pasahero, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Talco sa pagmamaneho ng tricycle na kinalulunanan ng pasaherong si Sapico kaya bumangga sila sa nakaparadang pick-up sa gilid ng kalsada.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital at kasalukuyan pa silang inoobserbahan sa pagamutan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page