Transgender, natagpuang patay
Jan 10, 2022
1 min read
@Balitang Probinsiya | January 10, 2022
AKLAN–Isang transgender ang natagpuang patay kamakalawa sa loob ng inupahan niyang kuwarto ng apartelle sa Boracay Island.
Sa kahilingan ng kanyang pamilya, hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang biktima.
Nabatid na mga empleyado ng apartelle ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa loob ng kuwarto ng apartelle.
Dahil dito ay agad ini-report ng mga kawani ng apartelle sa pulisya ang tungkol sa pagkamatay ng biktima.



Comments