Trak nahulog sa bangin, driver todas
@Balitang Probinsiya | November 3, 2021
BENGUET—Isang driver ang namatay nang aksidenteng mahulog sa bangin ang minamaneho niyang trak kamakalawa sa Bgy. Bashoy, Kabayan.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marfil Sumakey, 60-anyos, residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Sunakey sa pagmamaneho kaya nahulog ang trak sa bangin na may 60 talampakan ang lalim.
Nabatid na nagtamo ng malalaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima dahil sa naganap na aksidente.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments