Top 8 most wanted arestado
@Balitang Probinsiya | September 23, 2022
PALAWAN—Isang top 8 most wanted criminal ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Sta. Lourdes, Puerto Princesa City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Ricky Ramos, 47-anyos, at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 3-counts ng kasong rape sa lalawigan.
Nabatid na nakita ng mga operatiba si Ramos sa nasabing lugar kaya agad itong inaresto.
Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments