top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tiyahin pinatay ng pamangkin

BULGAR
Aug 29, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 29, 2022


CAPIZ—Isang 45-anyos na tiyahin ang namatay nang pagbabarilin ng kanyang pamangkin kamakalawa sa Bgy. Tuburan, Maayon.


Ang biktima ay kinilalang si Cherry Deocampo, samantalang ang suspek ay ang pamangkin nito na si Ariel Deocampo, 23, kapwa residente ng Bgy. Maalan, sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Cherry ang kanyang motorsiklo ay sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima na tinamaan ng mga bala sa likod.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek.


Kaagad dinala ng mga saksi si Cherry sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang inaalam na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page