Tiyahin ni-rape ng pamangkin
@Balitang Probinsiya | September 18, 2022
NUEVA VIZCAYA—Isang 19-anyos na binatang gumahasa sa kanyang tiyahin ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Solano.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jester Bibay, pansamantalang nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nag-iisa sa kanilang bahay sa Bgy. Baresbes, Quezon, Isabela ang biktimang itinago sa pangalang "Loida" nang pumasok ang suspek ay dito ginahasa ang biktima.
Matapos ang panggagahasa ay tumakas ang suspek at nagtago sa Nueva Vizcaya, pero nasundan siya ng mga operatiba at dito dinakip.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya at sinampahan na siya ng kasong rape.



Comments