Tindahan, nilooban ng 'Akyat-Bahay' member
@Balitang Probinsiya | January 17, 2022
CAMARINES NORTE--Isang tindahan ang nilooban ng miyembro ng "Akyat-Bahay Gang" kamakalawa sa bayan ng Paracale.
Hindi na pinangalanan ng pulisya ang may-ari ng tindahan na residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na walang tao sa tindahan ng biktima nang looban ito ng suspek.
Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang halaga ng cash at mga panindang ninakaw ng suspek.
Kaugnay nito, naglunsad na rin ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang magnanakaw.



Comments