top of page

Tibo, buking ni bff na iba na ang yakap at halik

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 29, 2023
  • 1 min read

ni Sister Isabel del Mundo @Mga Kuwento ng Buhay at Pag-ibig | May 29, 2023

Dear Sister Isabel,


Nais ko sana humingi ng advice sa iyo, Sister. Umiibig kasi ako sa kapwa ko babae. Oo, isa akong tomboy, ngunit hindi ito halata dahil maganda at sexy ako tingnan. May pagnanasa ako sa childhood friend ko, lagi kaming magkasama sa lahat ng okasyon.


Noong una ay akala niya bilang kaibigan lang ang pagyakap at halik ko sa kanya ngunit kalaunan ay nahalata niya rin na iba na ang higpit ng yakap at halik ko sa kanya. Umiwas at lumayo siya sa akin, dahil hindi niya ito nagustuhan. Nasaktan ako sa ginagawa niyang pag-iwas. Mahal ko siya, at ayokong tuluyan siyang lumayo sa akin.


Ano rapat kong gawin? Sana ay mapayuhan niyo ako upang gumaan ang loob ko.


Nagpapasalamat,

Betsai ng Laguna

Sa iyo, Betsai,


Ang pinakamaganda mong gawin ay tanggapin sa iyong kalooban na ‘di ka gusto ng

babaeng napupusuan mo. Mahirap ipilit mo ang sarili sa taong kailan man ay ‘di ka magugustuhan. ‘Ika nga, supilin mo ang iyong nararamdaman sa kanya. Humanap ka na lang ng ibang iibigin. Sa umpisa ay masakit na layuan siya at ibaling sa iba ang iyong pagtingin pero habang lumilipas ang mga araw, matatanggap mo rin na hindi siya ang tinadhana para sa iyo.


Naniniwala akong matatagpuan mo rin ang katapat mo na makakasama at kaagapay mo habambuhay. Hintayin mo na lamang ang araw na iyon. Ang pagibig ay hindi hinahanap, ito ay kusang dumarating sa takdang panahon. Kaya, ‘wag ka ng malungkot.


Mag-move on ka na at harapin ang panibagong bukas.

Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page