Taxi driver, todas sa holdaper
@Balitang Probinsiya | February 27, 2022
CEBU CITY–Isang taxi driver ang napatay ng holdaper kamakalawa sa Bgy. Apas.
Ang biktimang nagtamo ng dalawang saksak sa katawan ay nakilalang si Edilberto Manulat, samantalang ang suspek na nadakip ay si Albert Toregasa, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, sumakay sa pinapasadang taksi ni Manulat si Toregasa at pagkaraan ay nagpahayag ng holdap.
Nabatid na nanlaban si Manulat kaya pinagsasaksak ito ni Toregasa at nang makalabas ng taksi ang biktima ay napadaan ang mga nagpapatrulyang pulisya kaya nadakip ang suspek.
Kaagad dinala ng mga awtoridad si Manulat sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments