top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tanod tinepok ng kaalitan

BULGAR
Apr 29, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 29, 2022


ALBAY – Isang tanod ang namatay nang saksakin ng kanyang kaalitan kamakalawa sa Bgy. Bano, Legazpi City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng isang tama ng saksak sa katawan na si Allan Castro, samantalang ang suspek ay si Roldan Baloloy, kapwa nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.


Nabatid na agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nagpalabas na ngayon ng manhunt operation ang pulisya para mdakip ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page