Tanod, timbog sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | January 29, 2022
PALAWAN–Arestado ang barangay tanod na drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Sapa, Bataraza.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Along Kim, 34-anyos at nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa naturang barangay.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments