Tanod, tiklo sa baril at bala
@Balitang Probinsiya | August 6, 2023
AKLAN -- Isang barangay tanod ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng dalawang baril at mga bala kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. San Dimas, Malinao sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Sonny Iyoyo, 54, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, may natanggap na impormasyon ang pulisya na may mga baril ang suspek kaya sinalakay ng mga ito ang kanyang bahay sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte, dito nakumpiska ang dalawang baril at mga bala.
Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad nang dakpin siya sa loob ng kanyang bahay.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong 2-counts ng illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments