top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Tangke ng kalan sumabog, 1 sugatan

Writer: BULGAR
BULGAR
May 5, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 5, 2023


CAGAYAN—Isang lalaki ang sugatan nang sumabog ang tangke ng kalan sa kanilang bahay, kamakalawa sa Bgy. Malabbac, Iguig sa lalawigang ito.


Sa kahilingan ng kanyang pamilya, ay hindi na pinangalanan ang biktima.


Ayon sa ulat, sumingaw ang hose sa LPG (liquefied petroleum gas) sa kalan ng kanilang bahay kaya't sumabog ito at tinamaan ng shrapnels sa katawan ang biktima.


Nabatid na kasunod ng pagsabog, ay nasunog ang bahay, pero nailabas ng kanyang mga kamag-anak ang biktima mula sa nasusunog nilang bahay.


Sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa sa ospital ang biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page