top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Talunang kandidato, huli sa mga boga at bala

BULGAR
Jul 5, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 5, 2022


MAGUINDANAO—Isang talunang kandidato ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa pag-iingat ng mga baril at bala kamakalawa sa Bgy. Rumirimbang, Barira.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Usop Aron, nasa hustong gulang at talunang kandidato sa pagka-vice mayor sa nabanggit na bayan.


Nabatid na sinalakay ng pulisya ang bahay ni Aron sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte at dito nakumpiska ang walong iba't ibang uri ng baril at mga bala.


Kusang sumama naman sa pulisya at hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong 8-counts ng illegal possession of firearms and ammunitions.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page