top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sundalo tepok sa sariling baril

BULGAR
Nov 23, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 23, 2022


PALAWAN—Isang sundalo ang namatay nang aksidenteng pumutok ang nililinis niyang baril kamakalawa sa Bgy. 3, Roxas.


Sa kahilingan ng kanyang pamilya ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang biktima.


Ayon sa imbestigasyon, habang nililinis ng sundalo ang kanyang kalibre .9mm pistola sa kanilang bahay ay aksidente itong pumutok at tinamaan sa mukha ang biktima.


Dinala ng kanyang mga kamag-anak ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Gayunman ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page