top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sundalo, tepok sa kapwa sundalo

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 2, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 2, 2022


SORSOGON—Isang sundalo ang namatay nang barilin ng kapwa niya sundalo sa loob ng barracks ng Philippine Army (PA) kamakalawa sa Bgy. Balogo, Sorsogon City.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng tama ng bala sa katawan na si Sgt. Jimmy Banania, 37-anyos, samantalang ang suspek ay si Sgt. Ranly Datu, 44-anyos, kapwa nakatalaga sa 93rd PA Company sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Banania at Datu na humantong para barilin ng suspek ang biktima.


Kaagad dinala ng mga kapwa niya sundalo si Banania sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong murder.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page