Search
  • BULGAR

Sundalo nagpaputok ng boga, arestado

@Balitang Probinsiya | June 28, 2020



QUEZON—Isang lasing na sundalo na nagpaputok ng baril ang dinakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. V, Lucena City.


Ang suspek ay nakilalang si Pfc. Reymark Capistrano, residente sa nasabing lungsod at nakatalaga sa 1st Infantry Division ng Philippine Army (PA) na nakabase sa Pagadian City.


Ayon sa ulat, humingi ng responde ang mga residente sa pulisya dahil sa pagpapaputok ng baril ng suspek na lango sa alak.


Nabatid na kaagad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek na hindi na nanlaban sa pulisya.


Napag-alamang nakumpiska ng mga awtoridad ang armalite rifle na ginamit ng suspek sa pagpapaputok ng baril.


Sinampahan na ng pulisya ang suspek ng mga kasong illegal discharge of firearms, public scandal at administrative case.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.