Sundalo dedbol sa semplang
@Balitang Probinsiya | August 14, 2022
SORSOGON—Isang sundalo ang namatay nang aksidenteng sumemplang ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Tughan, Juban.
Kinilala ang biktima na si Sgt. Mark Lualhati, nakatalaga 5th Field Artillery Battalion at tubong Quezon province.
Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol si Lualhati sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya sumemplang ang biktima.
Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba't ibang parte ng katawan ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments