Stepfather sinaksak ng stepson
@Balitang Probinsiya | April 23, 2022
AKLAN – Isang stepfather ang sugatan nang tagain ng kanyang stepson kamakalawa sa Bgy. Cabugao, Batan sa lalawigang ito.
Ang biktima na nagtamo ng tama ng taga sa mukha ay kinilalang si Jare Marcelino, 44-anyos, samantalang ang suspek ay ang stepson nito na si Ronaldo dela Cruz, 30-anyos, kapwa residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Marcelino at Dela Cruz na humantong para tagain ng suspek sa mukha ang biktima.
Matapos ang pananaga ay nagtangka pang tumakas si Dela Cruz, pero mabilis siyang naaresto ng mga rumespondeng tauhan ng pulisya.
Nabatid na patuloy pa rin inoobserbahan sa pagamutan si Marcelino.



Comments