Stepdaughter, ni-rape ng amain

@Balitang Probinsiya | November 3, 2020
PANGASINAN—Isang lalaki ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa panggagahasa sa kanyang 14-anyos na stepdaughter kamakalawa sa bayan ng Rosales sa lalawigang ito.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Ayon sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang “Rose”, madalas umano siyang gahasain ng kanyang amain kapag wala sa kanilang bahay ang kanyang ina.
Sinabi ng biktima na naulit ang panggagahasa sa kanya ng suspek kamakalawa kaya nagpasya na siyang ireklamo at ipahuli ito sa mga tauhan ng pulisya.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong rape at child abuse.



Comments