Stall sa palengke, nasunog
@Balitang Probinsiya | January 26, 2022
AKLAN–Isang stall ang tinupok ng apoy kamakalawa sa loob ng palengke ng Kalibo.
Ang stall na nasunog ay pag-aari ni Bernard Lazo, residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, biglang sumiklab ang sunog sa stall na nasa loob ng Kalibo Public Market, pero dahil sa mabilis na pagresponde ng mga bumbero ay naapula agad ang apoy.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na faulty wiring ang sanhi ng sunog.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.



Comments