Solo parent, huli sa drug-bust
- BULGAR
- Jan 26, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | January 26, 2022
CAPIZ–Arestado ang isang babaeng solo parent na drug pusher sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Lawaan, Roxas City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jessica Alcazaren, 18-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation sa naturang lugar.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments