top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

SK kagawad tiklo sa droga

  • BULGAR
  • May 4, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | May 4, 2022


AKLAN – Isang 24-anyos na Sangguniang Kabataan (SK) kagawad na drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Mabilo, Kalibo sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilalang si SK Kagawad Renz Lasgo, nakatira sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba sa nabanggit na barangay at dito nadakip ang drug pusher.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page