SK kagawad, tiklo sa buy-bust
- BULGAR

- Jul 25, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 25, 2020
ISABELA—Isang SK (Sangguniang Kabataan) kagawad na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Minante 2, Cauayan City.
Ang suspek ay nakilalang si SK Kagawad Marlon Francisco, Jr., nakatira sa nasabing barangay.
Napag-alamang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng shabu ng suspek ay agad itong dinakip ng pulisya.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Francisco.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments