top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Shoplifter, nasakote sa grocery store

Writer: BULGAR
BULGAR
May 30, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 30, 2023


ALBAY—Isang shoplifter ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa loob ng isang grocery store sa Bgy. Baybay, Legazpi City sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, ninakaw ng suspek ang ilang paninda sa hindi pinangalanang grocery store sa nabanggit na lungsod.


Nang makita ng mga kawani ng grocery store ang pagnanakaw ng suspek ay agad itong ini-report sa pulisya kaya nadakip ang shoplifter.


Kusang sumama ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at ngayon ay nahaharap siya sa kasong qualified theft.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page