top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Senglot, tinodas ng karpintero

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 4, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 4, 2023


ILOILO -- Isang lasing ang namatay nang pagsasaksakin at tagain ng kapitbahay niyang karpintero kamakalawa sa Bgy. Lanag-Norte, Tubungan sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak at taga sa katawan ay nakilalang si Patrick Casquite, 28, samantalang ang suspek ay si George Tacan, 49, kapwa nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa pulisya, habang nag-iinuman ay unang nalasing si Casquite at naging makulit umano ito hanggang magtalo sila ng kainumang si Tacan na humantong kaya kumuha ng itak ang suspek at pinagsasaksak at pinagtataga ang biktima.


Nabatid na dahil sa dami ng tinamong tama ng saksak sa katawan ay namatay ang biktima sa pinangyarihan ng krimen.


Agad namang nadakip ng mga rumespondeng tauhan ng pulisya ang suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page