top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Senglot nag-amok, 2 kainuman sinaksak

BULGAR
Sep 26, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 26, 2022


QUEZON—Isang lasing na nag-amok ang dinakip ng pulisya matapos nitong saksakin ang dalawa niyang kainuman kamakalawa sa Bgy. Bagong Silang, Buenavista.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Fernando Andrade, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.


Sa naturang pananaksak ay napatay ni Andrade si Ariel Delin, samantalang sugatan naman ang isa pang biktima na si Edgardo Siclos, kapwa nasa hustong gulang at mga nakatira rin sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nang malasing umano sa inuman si Andrade ay bigla itong nag-amok at naglabas ng balisong saka pinagsasaksak ang dalawa niyang kainumang biktima.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong murder at frustrated murder.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page