top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Senglot na rider, naaksidente

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 4, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 4, 2022


AKLAN—Sugatan ang isang lasing na rider nang aksidenteng sumemplang ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Nagustan, Nabas.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Carlo Bastian, 22-anyos at residente ng nabanggit na barangay.


Batay sa imbestigasyon, dahil sa labis na kalasingan at nawalan umano ng kontrol ang biktima sa pagmamaneho ng motorsiklo, kaya sumemplang ito sa naturang barangay.

Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba't ibang parte ng katawan ang biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page