top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Senglot na pekeng LTO employee nasakote

  • BULGAR
  • Dec 1, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | December 1, 2022


AKLAN—Isang lasing na rider na pekeng empleyado ng LTO (Land Transportation Office) ang dinakip ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Andagao, Kalibo.


Ang suspek ay nakilalang si Dyved Taunan, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo ay napadaan sa checkpoint ang lasing na si Taunan at nang sitahin ay nagpakilala itong empleyado ng LTO at pagkaraan ay mabilis na pinatakbo ang motorsiklo.


Nabatid na hinabol ng mga awtoridad si Taunan at nang maaubutan ay agad inaresto at nang beripikahin ang pagkatao nito ay nalamang pekeng LTO employee ang suspek.


Dahil dito, sinampahan ng mga awtoridad si Taunan ng kasong driving under the influence of liquor at usurpation of authority.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page