Senglot na bebot, ni-rape ng kaibigan
- BULGAR
- Sep 4, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 4, 2023
BATAAN -- Isang 23-anyos na dalagang lasing ang ginahasa ng kanyang kaibigan kamakalawa sa Bgy. San Francisco, Limay sa lalawigang ito.
Ang biktima ay itinago sa pangalang “Rosanna”, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa biktima, niyaya siya ng suspek na si alyas “Aman”, 32, na mag-inuman pero nang malasing siya ay ginahasa siya ng kaibigan.
Matapos ang panghahalay, humingi ng tulong sa pulisya ang biktima at sa mabilis na responde ng mga awtoridad ay naaresto ang suspek.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya at sinampahan na ng kasong rape.



Comments