Senglot binugbog, sinaksak
- BULGAR
- May 2, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 2, 2022
AKLAN – Isang lasing ang sugatan nang bugbugin at saksakin ng mga hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. Rizal, Ibajay sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga saksak at pasa sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Jose Masula, 36-anyos, residente sa nasabing na barangay.
Ayon sa ulat, habang pasuray-suray na naglalakad si Masula dahil sa kalasingan ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad binugbog at sinaksak ang biktima.
Matapos ang pambubugbog at pananaksak ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa sa pagamutan ang biktima, samantalang pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mga suspek.



Comments