top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sekyung pusher, todas sa buy-bust

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 7, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | October 7, 2020



SORSOGON—Isang security guard na drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Pangpang West District, Sorsogon City.


Kinilala ang suspek na si Marcelino Basa, nakatira sa Bgy. Anislag, Daraga, Albay.

Ayon sa ulat, nahalata ni Basa na mga operatiba ang kanyang katransaksiyon sa bentahan droga kaya pinagbabaril nito ang pulisya.


Kaagad nakaganti ng putok ang mga awtoridad dahilan kaya napatay ang suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na sachets ng shabu, baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page