Sekyung pusher, huli sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | November 28, 2020
PAMPANGA—Isang security guard na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Pulung Maragul, Angeles City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Bryan Martinez, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng shabu ang suspek kaya nagsagawa ng buy-bust operation dahilan upang madakip ito sa nasabing barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang gramo ng shabu, markadong pera at drug paraphernalia sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Martinez na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments