Sekyu, todas sa semplang
@Balitang Probinsiya | February 13, 2022
CAGAYAN–Isang security guard ang namatay nang aksidenteng sumemplang ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Larion Bajo, Tuguegarao City.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jonathan Soriano, 31-anyos, security guard sa nabanggit na lungsod.
Batay sa imbestigasyon, mabilis umano ang takbo ng motorisklong minamaneho ni Soriano kaya sumemplang ito sa sementadong kalsada.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng malaking sugat sa ulo ang biktima dulot ng pagkabagok sa kalsada.
Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments