top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sekyu tinodas ng kaalitan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 25, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 25, 2023


BATANGAS — Isang security guard ang namatay nang pagbabarilin ng kanyang nakaalitan kamakalawa sa Bgy. Calayo, Nasugbu sa lalawigang ito.


Kinilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Carlo Lara, 35-anyos, security guard sa isang resort, samantalang ang suspek ay si Mervin Bautista, nasa hustong gulang, at parehong nakatira sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang nakaupo si Lara sa binabantayan niyang resort ay sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nagpalabas na ngayon ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page